Motion to quash ni Rep. Floirendo, ibinasura ng Sandiganbayan

By Isa AvendaƱo-Umali August 10, 2018 - 07:38 PM SHARE(S):

Ibinasura ng Sandiganbayan ang mosyon ni Davao del Norte Rep. Antonio Floirendo na huwag dinggin ang kanyang graft case kaugnay sa umano’y kwestyonableng land lease deal ng Tagum Agricultural Development Company, Inc. o TADECO sa Bureau of Corrections o BUCOR.

Sa resolusyon ng Sandiganbayan 6th division, hindi pinagbigyan ng korte ang motion to quash na inihain ni Floirendo dahil sa kawalan ng merito.

Ibig sabihin nito ay tuloy ang pagdinig ng korte sa graft charges laban kay Floirendo.

Sinabi pa ng Sandiganbayan na ang mga depensa ni Floirendo ay mainam na mailahad sa mismong trial.

Pumanig din ang anti-graft court sa argumento ng Office of the Ombudsman na si Floirendo na isang kongresista ay may interes at nakialam sa TADECO-BUCOR deal.

Nauna nang binanggit ni Floirendo sa kanyang motion to quash na walang “conflict of interest” sa naturang kasunduan, dahil ang share raw niya sa TADECO ay maliit lamang.

Si dating House Speaker Pantaleon Alvarez ang nagsampa ng kasong katiwalian laban kay Floirendo dahil sa pinasok na joint venture agreement ng TADECO sa BUCOR para sa pag-upa ng lupa ng Davao Penal Colony.

 

TAGS: bucor, Davao del Norte Rep. Antonio Floirendo, tadeco, bucor, Davao del Norte Rep. Antonio Floirendo, tadeco

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.