Tinatayang 100 hinihinalang miyembro ng NPA, sinalakay ang Lapinig Police Station sa Northern Samar

By Isa Avendaño-Umali, Jan Escosio August 10, 2018 - 08:50 AM SHARE(S):

UPDATE:  Inatake ng humigit-kumulang isang daang armadong indibidwal ang Lapinig Municipal Police Station sa Northern Samar kaninang madaling.

Sa inisyal na impormasyon, hinihinalang mga miyembro ng New People’s Army o NPA ang sumalakay sa nasabing istasyon ng pulis dakong 1:15 ng madaling araw.

Ang mga sumugod ay armado ng Uzi, M14, M16, M203 at K3 sub-machine gun, laban sa iilang pulis na kanilang naka-engkwentro.

Tumagal ng labing limang minuto ang bakbakan kung saan dalawang pulis ang napaulat na nasaktan na kinilalang sina PO2 Jerry Quilecol at PO1 Edizon Aguere.

Patuloy naman ang imbestigasyon sa pangyayari, at inaalam na rin kung may nakuha ba mula sa istasyon ng pulis.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.