Chinese national, patay sa pagkalunod sa El Nido

By Isa AvendaƱo-Umali August 10, 2018 - 08:39 AM SHARE(S):

 

Patay ang isang Chinese national makaraang malunod sa Nacpan Beach sa El Nido, Palawan.

Ayon sa El Nido Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office o MDRRMO, kinilala ang biktima na si Sun Xuiyan, 48-anyos at isang nutritionist.

Naka-check-in ang biktima sa Just Inn lodging house, sa Barangay Maligaya, sa El Nido.

Batay sa El Nido MDRRMO, kasama ng biktima ang kanyang mga kaibigan sa isang island hopping araw ng Huwebes (August 9).

Naligo at lumangoy si Sun sa Nacpan Beach ngunit sa kasamaang palad ay nalunod siya.

Sinabi ng MDRRMO na sinubukan pang i-revive si Sun pero wala nang “sign of life” ang biktima.

Nakikipag-ugnayan na ang lokal na pamahalaan ng El Nido sa Chinese Embassy upang maipaalam sa mga kaanak ni Sun ang nangyaring trahedya.

Ang El Nido sa Palawan ang isa sa mga kilala at dinadayong tourist destinations sa Pilipinas.

Karamihan sa mga bisita ay mga banyaga, kabilang na ang mga Chinese tourist.

 

TAGS: El Nido, Palawan, El Nido, Palawan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.