2 patay sa engkwentro sa Quezon City

By Rhommel Balasbas August 10, 2018 - 06:30 AM SHARE(S):
Contributed Photo

Patay ang dalawang lalaki matapos manlaban sa mga pulis sa Payatas, Quezon City.

Hindi pa alam ang pagkakakilanlan ng dalawa na nahuli sa aktong binabaklas ang isang tricycle sa bahagi ng Payatas Road.

Ayon kay Batasan Police Station Deputy Chief Sandie Caparroso, nakatanggap sila ng ulat tungkol sa ginagawang pagbabaklas sa tricycle ng mga suspek.

Agad naman anyang rumesponde ang mga awtoridad sa ulat ngunit hindi pa man nakalalapit ay agad silang pinaputukan ng mga suspek dahilan para gumanti sila ng putok.

Sa pagproseso ng mga pulis, idineklarang dead on the spot ang dalawa sa nangyaring engkwentro.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.