Plunder trial ni Bong Revilla tinapos na ng Sandiganbayan

By Len Montaño August 10, 2018 - 01:58 AM SHARE(S):

Tinapos na ng Sandiganbayan ang plunder trial ni dating Senador Bong Revilla na magiging unang mambabatas na maaaring maabswelto o ma-convict dahil sa umano’y papel nito sa pork barrel scam.

Sa pagdinig ng Sandiganbayan First Division, ipinaalam ng prosekusyon sa korte na tinatapos na nila ang kaso laban kay Revilla matapos nilang maiprisinta ang whistle blower na si Benhur Luy.

Naiprisinta na rin ng prosekusyon ang mga tauhan ng Ombudsman records division na sina Clarita Tanggol at Maria Veronica Alvaran bilang rebuttal witnesses.

Sumentro ang testimonya ng 3 laban sa testimonya ng 1 pang whistle blower na si Marina Sula na bumaligtad sa una nitong pahayag at sinabing tinuruan siya ng prosekusyon para idawit si Revilla.

Bago natapos ang kaso, nag cross-examine si lead defense counsel Estelito Mendoza kay Luy kung nakita nitong pinirmahan ni Revilla ang endorsement letter na nagbigay daan sa pekeng foundations ng umanoy utak ng scam na si Janet Lim Napoles para magkaroon ng kickback sa Priority Development Assistance Funds (PDAF) ng dating mambabatas, bagay na ayon kay Luy ay hindi.

Pero sinabi ng prosekusyon na hindi ito nangangahulugan na abswelto na si Revilla dahil hindi naproseso ang Special Allotment and Release Orders (SARO) ng dating Senador kung kulang ito ng supporting documents na kanyang pinirmahan.

Binigyan ni Division chairperson Associate Justice Efren dela Cruz ang prosekusyon at depensa ng 30 araw na maghain ng memoranda bago ang desisyon sa kaso ni Revilla.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.