Internal cleansing ng PNP nais paimbestigahan ng isang senador

By Len Montaño August 10, 2018 - 01:02 AM SHARE(S):

Pinaiimbestigahan ni Senador Francis Pangilinan ang istratehiya ng Philippine National Police (PNP) na internal cleansing sa kanilang hanay sa gitna ng pagkasangkot ng mga pulis sa mga iligal na aktibidad.

Ayon kay Pangilinan, naghain siya ng resolusyon para imbestigahan ang pagkadawit ng mga pulis sa mga krimen at pagpatay.

Nag-aalala ang senador dahil sa pagtaas ng sweldo ng mga pulis ay tumaas din anya ang kanilang pag-abuso.

Nakasaad sa Senate Resolution 822 ni Pangilinan na sa kabila ng agresibong hakbang ng PNP laban sa mga pasaway sa kanilang hanay ay may ilan pa rin na sangkot sa iligal na mga aktibidad.

Hanggang March 2018, naitala ng PNP ang 6,903 administrative cases laban sa police personnel mula noong 2016.

Sinabi naman ni PNP spokesperson Sr. Supt. Benigno Durana Jr. na 1,828 na mga pulis ang tinanggal sa serbisyo dahil sa pagkasangkot sa iba’t ibang illegal activities mula January 2016 hanggang June 2018.

Sa report naman ng PNP Internal Service, 349 na mga pulis ang nagpositibo sa droga partikular ang shabu.

Ayon sa resolusyon, mahalaga na malaman ng publiko ang pina-igting na internal cleansing ng PNP, mapanagot ng organisasyon at matiyak sa mga mamamayan ang tungkulin ng pulisya na pagsilbihan at protektahan ang publiko.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.