Bagong album ni Cher ilalabas na susunod na buwan

By Justinne Punsalang August 10, 2018 - 12:21 AM SHARE(S):
Warner Bros. Records

Inanunsyo na ng Warner Bros. Records na sa September 28 ang release date ng bagong album ng Goddess of Pop na si Cher.

“Dancing Queen” ang title ng bagong album ng singer at lalamanin nito ang mga awitin ng Swedish band na ABBA.

Matatandaang kabilang si Cher sa mga gumanap sa musical film na “Mamma Mia 2: Here We Go Again” na hango sa mga awitin ng nasabing banda.

Ayon kay Cher nang kantahin niya ang “Fernando” para sa “Mamma Mia 2” ay naisip niyang gumawa ng sariling rendition ng iba pang mga kanta ng ABBA.

Aniya pa, gusto niya ang mga awitin ng banda ngunit nang sinimulan na niyang i-record ang mga ito ay aminado siyang nahirapan siya.

Samantala, sa kanyang personal Twitter account ay ibinahagi ni Cher ang teaser para sa kantang “Gimme! Gimme! Gimme!” na bahagi ng album.

Sa hiwalay naman na post ay nagbahagi si Cher ng litrato ng isang belt na may nakasulat na “Mamma Mia!” Hindi pa malinaw kung ito ba ay para sa music video ng kantang “Mamma Mia” na kabilang sa track listing ng kanyang bagong album.

Sa ngayon ay nagtatanghal si Cher sa MGM Resorts sa Las Vegas at sasalang naman siya sa tour sa Setyembre sa mga bansang Australia at New Zealand.

Bukod pa dito ay co-producer siya ng upcoming Broadway musical na “The Cher Show” na magbubukas sa December 3.

TAGS: Cher, Dancing Queen, Cher, Dancing Queen

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.