Inday Sara pinayuhan si Asec. Uson na maging mas maingat sa kanyang mga ginagawa

By Rhommel Balasbas August 10, 2018 - 01:41 AM SHARE(S):

‘Be more circumspect’.

Ito ang apela ni Presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte kay Communications Assistant Secretary Margaux ‘Mocha Uson’.

Sa isang oath-taking ceremony sa Camarines Sur, nagpayo ang alkalde kay Uson matapos ang kontrobersyal na nalikha ng ‘pepedederalismo’ video ni Uson at ng blogger na si Drew Olivar.

Ayon kay Duterte, dapat mas maging maingat na si Uson sa kanyang mga ginagawa dahil isa na itong opisyal ng gobyerno sa ngayon.

“I think our secretary should be more circumspect siguro with her actions because she already is a government official,” ani Duterte.

Suportado naman ni Inday Sara ang intensyon ni Uson na palawakin ang kamalayan ng mga Filipino tungkol sa Federalismo.

Gayunman anya ay kailangan lamang ayusin ang paraan ng pagbabahagi ng mensahe ukol sa Federalismo sa mga mamamayan.

“But tama naman ‘yung gusto nila na mapalaki ‘yung campaign ng federalism. Siguro ‘yung messaging lang ayusin,” ani Duterte.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.