29 nasawi sa bus attack sa Yemen

By Justinne Punsalang August 10, 2018 - 02:13 AM SHARE(S):
AP

Nasawi ang 29 katao, habang sugatan naman ang 48 na karamihan ay mga kabataan dahil sa isang airstrike na naganap sa isang palengke sa Sa’ada, Yemen.

Batay sa Tweet ng International Committee of the Red Cross (ICRC), isang bus na puro kabataan edad 15 pababa ang inatake.

Ayon pa sa ICRC, lahat ng mga nasawi ay pawang kabataan. Habang 30 naman sa mga nasugatan ay mga bata rin.

Sinisisi ng rebeldeng Houthi movement ang Saudi coalition sa pag-atake, ngunit wala pang inilalabas na pahayag ang coalition ukol dito.

Samantala, lubhang nababahala naman ang United Nations Children’s Fund (UNICEF) dahil sa naturang pag-atake. Ayon dito, hindi dapat maging biktima ang mga kabataan dahil hindi naman sila ang target ng kaguluhang nangyayari sa bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.