Mga nagsusugal sa kalsada nahulihan ng shabu sa Quezon City

By Justinne Punsalang August 10, 2018 - 03:54 AM SHARE(S):
QCPD

Arestado ang apat na kalalakihan matapos mahuling nagsusugal sa kalsada sa barangay Sta. Monica sa Novaliches, Quezon City.

Nakilala ang mga suspek na sina Joshua Damaso, 20 taong gulang; Kevin Mark Borroemeo, 21 taong gulang; Francis Almoguera, 24 na taong gulang; at Louie Penones, 38 taong gulang.

Ayon sa mga otoridad, nagsasagawa sila ng Oplan Galugad sa nasabing barangay nang matiyempuhang naglalaro ng pusoy ang apat na lalaki.

Dahil ipinagbabawal ito sa ilalim ng Presidential Decree No. 1602 ay inaresto ang mga lalaki.

Nang kapkapan ang mga ito ay nakumpiska mula sa kanila ang apat na maliliit na sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Nabatid na si Penones ay dati nang sumuko sa Oplan Tokhang nga Philippine National Police (PNP).

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.