Babaeng lasing nasagasaan sa Quezon City

By Justinne Punsalang August 10, 2018 - 04:07 AM SHARE(S):
Contributed photo

Nasawi ang isang babae matapos itong masagasaan sa kahabaan ng Commonwealth Avenue na sakop ng Barangay Holy Spirit, Quezon City.

Kinilala ang biktimang si Caye Catbagan, 27 taong gulang.

Bago naganap ang malagim na aksidente, kasama pa ni Catbagan ang kanyang mga kaibigan na kumain sa isang resto-bar na malapit sa lugar.

Ayon sa kanyang mga kaibigan, lasing na si Catbagan at laking gulat nila nang bigla itong nagtatakbo sa gitna ng kalsada.

Sinubukan pa umano itong pigilan, at humingi pa ng tulong mula sa mga pulis na nasa lugar.

Ngunit pagtingin nila ay nakahandusay na ang walang buhay nitong katawan sa kahabaan ng Commonwealth Avenue.

Sa lakas ng impact ng aksidente ay nagkanda-lasug-lasog ang katawan ng biktima. Nahiwalay at tumilapon pa ng ilang metro ang binti ng biktima.

Hindi naman mabatid ng mga kaibigan kung anong sasakyan ang nakasagasa kay Catbagan.

Patuloy na iniimbestigahan ng Quezon City Traffic Sector 5 ang aksidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.