300 Pinoy nakakulong sa Malaysia ayon sa DFA

By Rhommel Balasbas August 10, 2018 - 01:45 AM SHARE(S):

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na mayroong 300 Filipino ang nakakulong ngayon sa Malaysia.

Ito ay bunsod ng crackdown ng bansa laban sa mga illegal immigrants kung saan umabot na sa 3,000 na may iba’t ibang nasyonalidad ang nahuhuli simula noong nakaraang buwan.

Ayon kay Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano, mahigpit na binabantayan ng kagawaran ang sitwasyon ng mga nakadetine na Pinoy.

Ang naturang mga Filipino ay pumasok ng Malaysia bilang mga turista ngunit ang layon naman talaga ay maghanap ng trabaho.

Mayroon anyang kopya ang DFA ng mga pangalan ng apektadong mga pinoy at inatasan na ang konsulada na magbigay ng tulong sa mga ito.

Iginiit naman ni Cayetano na may amnesty program ang Malaysia at handang pauwiin sa bansa ang illegal mmigrants.

Tiniyak din ng opisyal na nakikipagtulungan na ang pamahalaan sa Malaysian government at sa kanyang counterpart para maresolba ang problema.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.