2 patay matapos masagasaan ng truck sa Davao City

By Justinne Punsalang August 10, 2018 - 02:04 AM SHARE(S):

Nasawi ang dalawa katao, habang sugatan naman ang walong iba pa sa aksidenteng naganap sa Calinan District, Davao City.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sin Joel Lagazo at Rosalie Bolanoy matapos mahagip ng truck na nawalan umano ng preno.

Sa ngayon ay nagpapagaling na sa ospital ang walong sugatan sa aksidente.

Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, nanggaling sa Malagos ang truck. Habang binabagtas ng truck driver na si Jameswel Sarigumba ang Magsaysay Street sa lugar ay napansin nitong hindi na gumagana ang foot brake ng truck. Dahilan ito upang sumalpok ang truck sa isang vulcanizing shop.

Agad namang sumuko si Sarigumba sa mga otoridad matapos ang aksidente.

Dahil dito ay mahaharap si Sarigumba sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide, physical injuries, at damage to property.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.