PH Navy nagsagawa ng test fire para sa kanilang surface-to-surface missile

By Rhommel Balasbas August 10, 2018 - 03:01 AM SHARE(S):

Nagsagawa ng test fire ang Philippine Navy (PN) para sa kanilang Rafael Advanced Defense Ltd. Spike-ER (extended range surface-to-surface missile sa Lamapo Point, Limay, Bataan, Huwebes ng umaga.

Ang naturang equipment ay bahagi ng modernization program ng Philippine Navy na susi para pumasok na sa ‘missile age’ ang pwersa.

Ang Spike-ER missile system ang kauna-unahang missile weapon ng Philippine Navy at dumating sa bansa noong Abril.

Ayon kay Navy Spokesperson Cmdr. Jonathan Zata, bahagi ang missile firing ng Sea Acceptance Test (SAT) ay inisinagawa mula sa multi-purpose assault craft ng (MPAC) ng PN.

Bahagi ng kontrata para sa missile ang testing, inspeksyon at systems acceptance ayon sa opisyal.

Eksaktong-eksakto namang natamaan ng Spike-ER missile ang target sa layong anim na kilometro mula sa firing platrom ayon kay Zata.

Samantala, ani Zata, isang actual live firing demonstration pa ng surface-to-surface missile ang isasagawa sa harap ni Pangulong Rodrigo Duterte.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.