22,500 sako ng asukal iniwang nakatengga sa Port of Manila

By Justinne Punsalang August 10, 2018 - 02:58 AM SHARE(S):

Inabanduna ang P39 milyong halaga ng hinihinalang smuggled na asukal mula Thailand sa Port of Manila.

Sa isang pahayag, sinabi ng Bureau of Customs (BOC) na Hunyo ngayong taon nang dumating sa pantalan ang 45 20-footer container vans na naglalaman ng 22,500 sako ng asukal. Ngunit ang naka-declara sa shipment manifest ay naglalaman ang mga ito ng packaging materials at kitchen utensils.

Ayon kay BOC Commissioner Isidro Lapeña, isang pamamaraan ng pagsasamantala sa mataas na presyo ng mga bilihin ang pagpupuslit ng asukal mula sa ibang bansa.

Paliwanag nito, sistema ng mga smuggler na iwanan muna sa warehouse ang ipinuslit na asukal at sa oras na mataas ang halaga nito sa merkado ay saka ito ilalabas at ititinda.

Ani Lapeña, posibleng nakalusot ang asukal sa pamamagitan ng mga Customs agent.

Ayon naman kay BOC Spokesperson Erastus Austria, ipapa-auction nila ang asukal sa lalong madaling panahon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.