Pagbuo ng guidelines para sa class suspension, suportado ng DILG

By Rhommel Balasbas August 10, 2018 - 03:07 AM SHARE(S):

Nagpahayag ng pagsuporta ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa plano ng Metro Manila Council (MMC) na bumuo ng bagong guidelines para sa suspensyon ng klase sa rehiyon kapag masama ang panahon.

Sa isang pahayag, sinabi ni DILG Officer-In-Charge Sec. Eduardo Año na ang desisyon ng Metro Manila Mayors ukol sa iisang polisiya para sa class suspension ay mahalaga para matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante at manggagawa tuwing bumabaha.

“We are glad that the Metro Manila local government units (LGUs) have taken proactive steps on this matter considering the difficulty encountered by students and employees of returning home if class or work is suspended late,” ani Año.

Iginiit din ni Año na handang tumulong ang kanyang tanggapan sa mga alkalde at mga lokal na pamahalaan sa pagbalangkas sa polisiya.

“We are ready to assist the Council in whatever way we can to come up with the needed guidelines. Kailangan talagang mapag-usapan at mapagdesisyon na ito para sa kapakanan at kaligtasan ng mga estudyante at empleyado na sumusuong sa matinding baha at ulan sa kanilang pagpasok sa eskwelahan at opisina,” dagdag ng opisyal.

Nitong Martes ay nagdesisyon ang MMC na bumuo ng isang ‘unified guidelines’ para sa suspensyon ng klase.

Ito ay kasunod ng batikos na inaani ng mga alkalde sa social media at maging sa government hotline na 8888 dahil sa huling pagkansela sa klase.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.