Apat na police scalawags napatay ng PNP-CITF

By Justinne Punsalang August 10, 2018 - 03:42 AM SHARE(S):

Kasunod ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na hulihin ang mga pasaway at sangkot sa krimen na mga pulis ay apat na ang napapatay sa mga ito.

Ayon sa pinuno ng Philippine National Police – Counter Intelligence Task Force (PNP-CITF) na si Senior Superintendent Romeo Caramat Jr., nasa 1,000 mga pulis ang nasa kanilang watclist. Mula sa naturang bilang ay 87 na ang naaaresto nila.

Bagaman binalaan ni Pangulong Duterte na ipapapatay niya ang mga police scalawag ay iginiit ni Caramat na sinusunod ng CITF ang operational procedure at rule of law upang maaresto ang mga kabarong sangkot sa iligal na gawain.

Ngunit aniya, sakaling kailanganin ng pagkakataon at manlaban ang mga pulis na sangkot sa krimen ay dedepensahan ng mga miyembro ng CITF ang kanilang mga sarili na posibleng magresulta sa pagkamatay ng police scalawag.

Ayon kay Caramat, karamihan sa mga pulis na kabialang sa kanilang watchlist ay pawang mga nasa ranggong PO1 at PO3. Ngunit aniya, mayroon ring 20 superintendent at 10 senior superintendent.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.