Dalawang mahihinang pagyanig naramdaman sa Batanes

By Justinne Punsalang August 10, 2018 - 01:31 AM SHARE(S):

Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang bayan ng Itbayat sa Batanes.

Sa abiso ng PHIVOLCS, naganap ang pagyanig kaninang alas-12:54 ng hatinggabi.

Naitala ang episentro ng lindol sa 177km timogkanluran ng Itbayat.

May lalim itong 3km at tectonic ang origin.

Samantala, alas-10:44 ng gabi naman nang maramdaman ang magnitude 3.0 na lindol sa bayan ng Sabtang sa Batanes pa rin.

Naganap ang pagyanig sa 61km timogkanluran ng nasabing bayan at may lalim itong 29km.

Tectonic din ang sanhi ng lindol.

Ayon sa PHIVOLCS, kapwa walang inaasahang anumang aftershocks o pagkasira ng mga ari-arian ang dalawang lindol.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.