LOOK: #Walangpasok, Biyernes (August 10, 2018)

By Justinne Punsalang August 10, 2018 - 12:56 AM SHARE(S):

UPDATE: Nag-anunsyo na ng kanselasyon ng pasok ang ilang lokal na pamahalaan para sa araw ng Biyernes, August 10, 2018.

Batay sa abiso na inilabas ng Bolinao Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, ito ay dahil sa pag-uulang nararanasan sa lugar dulot ng umiiral na southwest monsoon o hanging habagat na pinaigting pa ng bagyong Karding.

Nagmula ang kanselasyon ng pasok para sa pre-school hanggang elementarya sa acting Mayor ng bayan na si Arnold Celeste, sa pagpapayo na rin DRRM Vice Chairperson.

Samantala, nag-anunsyo rin ng suspensyon ng pasok ang Hagonoy, Bulacan mula pre-school hanggang high school.

Walang pasok na rin mula presschool hanggang highschool sa Olongapo City, dahil sa masamang panahon.

I-refresh lamang ang page na ito para sa update sa kanselasyon ng pasok ngayong araw ng Biyernes, August 10, 2018.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.