Ginebra kampeon ng 2018 PBA Commissioner’s Cup

By Justinne Punsalang August 09, 2018 - 12:42 AM SHARE(S):

Napatalsik ng Ginebra Gin Kings ang San Miguel Beermen sa kampeonato para sa 2018 PBA Commissioner’s Cup.

Natapos ang kanilang Game 6 sa iskor na 93-77 pabor sa Gin Kings, dahilan upang iuwi na ng koponan ang tropeo.

Ibig sabihin ay hindi na magkakaroon ng Game 7 ang torneo.

Makalipas ang 21 taon ay nakamit na muli ng Ginebra ang titulo ng Commissioner’s Cup champion. Sa kabuuan, ito na ang ika-11 championship title na nakuha ng koponan.

Hindi napigilan ni Gin Kings head coach Tim Cone na mabilib sa kanyang mga manlalaro na nagdala sa kanila sa titulo.

Aniya, sino ba naman ang mag-aakala na matatalo nila ang reigning champions na San Miguel sa loob lamang ng anim na laro.

Pinangunahan ni Justin Brownlee ang koponan matapos makapagtala ng 31 puntos, 19 na rebounds, at 7 assists.

Para naman sa Beermen, si June Mar Fajarado ang nanguna sa pamamagitan ng kanyang 29 points.

Samantala, sa pagtatapos ng torneo ay iginawad ang Most Valuable Player (MVP) award kay Scottie Thompson ng Ginebra.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.