Jodi Sta. Maria nanguna sa Dean’s List ngayong semestre

By Justinne Punsalang August 09, 2018 - 12:31 AM SHARE(S):
Jodi Sta. Maria Instagram

Hindi napigilan ng aktres na si Jodi Sta. Maria na maiyak nang malamang siya ang nag-top sa Dean’s List ng Southville International School and Colleges.

Sa isang video na ibinahagi ng Kapamilya actress sa kanyang Instagram account, ikinwento nito na malaking bahagi na ng kanyang buhay ang pag-aaral ng pre-med dahil nahubog siya dito.

Aniya, hindi siya makapaniwala na malapit na niyang matapos ang kanyang undergraduate course na BS Psychology.

Kwento pa ni Jodi, isang oportunidad para sa kanya ang bawat subject na kanyang kinukuha upang ma-develop pa ang kanyang sarili.

Sa video, makikita na niyakap ni Jodi ang mga nag-bigay sa kanya ng Dean’s List top 1 award habang umiiyak sa tuwa.

Ayon sa aktres, konting pagpupursige pa at matatapos niya rin sa loob ng isang taon ang kanyang kurso.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.