12 migrante patay sa aksidente sa Italy

By Donabelle Dominguez-Cargullo August 07, 2018 - 06:52 AM SHARE(S):

Patay ang labingdalawang migrant agricultural workers makaraang maaksidente ang sinasakyan nilang van sa Southern Italy.

Naganap ang aksidente sa lungsod ng Foggia sa Puglia.

Maliban sa 12 nasawi, mayroon pang tatlong sugatan.

Taun-taon kada summer, libu-libong migrante mula sa iba’t ibang bahagi ng Europa at Africa ang dinadala sa nasabing bahagi ng Italya para magtrabaho sa taniman ng kamatis.

Sa ganitong panahon kasi ang anihan ng mga kamatis sa lugar.

Ibabalik na sana sa kanilang pansamantalang tinutuluyan ang mga migrante matapos ang buong araw na pagtatrabaho nang maganap ang aksidente.

 

TAGS: Foggia, italy, Migrant workers, Foggia, italy, Migrant workers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.