Bea Rose Santiago mayroong sakit sa bato dahil sa pre-workout drink

By Justinne Punsalang August 07, 2018 - 04:55 AM SHARE(S):

Ibinahagi ni Miss International 2013 Bea Rose Santiago na na-diagnose ng mga doktor na mayroon siyang chronic kidney disease.

Sa kanyang Instagram Stories ay binalaan ng beauty queen turned actress ang kanyang mga taga-hanga na mag-ingat sa pag-inom ng mga pre-workout drink.

Ayon kay Bea Rose, huli na nang kanyang malamang mayroon palang negatibong epekto sa katawan ang pag-inom ng pre-workout drink kasabay ng heavy workout. Ito aniya kasi ang lagi niyang ginagawa at ayon sa kanyang doktor, marami ang nakararanas ng chronic kidney disease dahil sa kaparehong gym lifestyle.

Kwento pa ni Bea Rose, nagpunta siya sa ospital upang ipa-checkup lamang ang kanyang nararanasang matinding migraine, laking gulat niya nang malamang sa kanyang bato pala nag-ugat ang kanyang iniindang sakit sa ulo.

Payo nito sa publiko, kumunsulta muna sa doktor bago simulan ang anumang uri ng diet o gumamit ng pre-workout drink dahil posible itong makasama pa sa katawan.

TAGS: Bea Rose Santiago, Bea Rose Santiago

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.