WATCH: Waze voice audition ni Rufa Mae Quinto kinagiliwan ng netizens

By Jimmy Tamayo August 06, 2018 - 10:49 AM SHARE(S):

Paano nga ba kung si Rufa Mae Quinto ang maririnig mo sa traffic navigation app na Waze?

Viral ngayon sa social media ang video ng sexy comedienne habang nag-o-audition para maging boses ng Waze.

Sa nasabing audition video ipinamalas at ipinarinig ni Rufa Mae ang paraan ng kanyang pagsasalita kung saan siya nakilala para maging guide ng mga motorista sa mga kalye sa Metro Manila at makaiwas sa traffic congestion.

Gamit ang nakagawiang sabihin na “Go, Go, Go” at “Todo na ‘to,” ito ang unang video ni Rufa Mae sa sarili niyang YouTube Channel na inilaunch niya noong Sabado, August 4.

May mga hugot rin sa kanyang traffic situation na kinaaliwan ngayon ng mga netizens.

Ang nasabing video ay mayroon nang higit sa 30,000 views sa video sharing site.

TAGS: Radyo Inquirer, Rufa Mae Quinto, Waze, Radyo Inquirer, Rufa Mae Quinto, Waze

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.