BSP nagbabala tungkol sa Sangla ATM

By Rhommel Balasbas August 06, 2018 - 02:47 AM SHARE(S):
BSP

Nagbabala sa publiko ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ukol sa paggamit ng automated teller machine (ATM) cards bilang loan collateral.

Ayon sa BSP, 39.9 percent ng mga Filipino ang gumagawa ng naturang gawain na mas kilala sa tawag na ‘Sangla ATM’.

Sa isang advisory, hinimok ng Central Bank ang publiko na huwag pumasok sa ‘Sangla ATM Schemes’ dahil malaki ang posibilidad ng panganib at pang-aabuso sa naturang aktibidad.

Sinabi ng BSP na ang ‘Sangla ATM’ ay naglalantad sa pagkakakilanlan ng may-ari ng ATM na maaaring magresulta sa hindi awtorisadong paggamit ng personal data, hindi awtorisadong ATM withdrawals at maging paggamit ng personal data sa mga mapanloko at kriminal na gawain.

Nag-abiso rin ang BSP sa financial institutions na huwag gamitin ang ATM ng kanilang mga borrowers bilang loan collateral.

Ayon sa central bank, dapat ay magsagawa ang lenders ng tamang credit underwriting at assessment sa creditworthiness ng mga borrower upang maiwasan ang mga panganib.

TAGS: BUsiness, BUsiness

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.