Bilang ng kaso ng Dengue sumipa

By Ricky Brozas August 05, 2018 - 07:36 PM SHARE(S):

Nakapagtala na ang Department of Health(DOH) ng mahigit animnapung libong kaso ng dengue sa buong bansa.

Ito ang kinumpirma ni Health Secretary Francisco Duque III kung saan kabuuang 62,632 na kaso na ng dengue ang naitala ng ahensiya sa mga nakalipas na buwan o mas mataas ng 2% kumpara sa 61,000 na kaso sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Sabi ng kalihim, ang lalawigan ng Ilocos Norte ang nakapagtala ng may pinakamaraming bilang ng tinamaan ng naturang sakit.

Gumagawa na aniya ng kaukulang hakbang ang mga lokal na pamahalaan sa naturang lalawigan para solusyunan ang problema.

Ayon kay Duque, posible ring magdeklara ng state of calamity sa mga apektadong lugar para magamit ang kanilang calamity funds.

Maliban dito, naitala rin ng DOH ang mataas na kaso ng chikungunya sa lalawigan ng Biliran.

Tulad ng dengue, sinabi ng kalihim na nakukuha rin ang chikungunya virus sa pamamagitan ng kagat ng lamok.

TAGS: Health, Health

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.