Retiradong pulis patay sa ambush sa Maynila

By Isa Avendaño-Umali August 05, 2018 - 12:58 PM

Isang retiradong pulis ang tinambangan sa Lungsod ng Maynila, Linggo ng umaga.

Ayon sa Manila Police District o MPD, ang biktima ay kinilalang si retired Police Supt. Roberto Palisoc.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, pinagbabaril ng riding-in-tandem ang biktima dakong 9:32 ng umaga sa may A. Linao St, corner San Andres St, Malate.

Isinugod si Palisoc sa ospital pero idineklara siyang dead on arrival.

Sa pananambang, nadamay ang dalawang kapitbahay ni Palisoc na kapwa-sugatan at dinala sa magkahiwalay na ospital.

Nagkasa na ang pulisya ng dragnet operation laban sa mga suspek na sakay umano ng isang kulay pula na Kawasaki Rouser.

Pero ayon sa mga otoridad, nawawala ang baril ni Palisoc na hinihinalang kinuha ng mga suspek.

Inaalam na rin MPD kung may CCTV camera sa pinangyarihan ng krimen habang hindi naman isinasantabi ang posibilidad na may kinalaman ito sa dating trabaho ng biktima bilang police official.

TAGS: ambush, MPD, retired Police Supt. Roberto Palisoc, ambush, MPD, retired Police Supt. Roberto Palisoc

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.