Dump truck tumagilid, basura tumapon sa kalsada

June 19, 2015 - 09:11 AM

erwin trak
Kuha ni Erwin Aguilon

Kumalat sa kalsada ang mga basurang laman ng isang dump truck matapos itong tumagilid habang binabaybay ang kahabaan ng Eastbound lane ng Commonwealth Avenue sa Quezon City.

Patungo sana sa dump site sa Rodriguez Rizal ang dump truck nang mawalan ng kontrol sa manibela ang driver nitong si Carlo Nillas dahilan para tumagilid ang trak.

Nagtamo din ng kaunting galos sa katawan si Nillas pero nalapatan din ito ng lunas ng mga medics.

Naganap ang aksidente malapit sa Ever Gotesco Mall sa Commonwealth Ave pasado alas 5:00 ng umaga.

Sinakop ng trak at ng mga tumapon na basura ang dalawang lane ng kalsada dahilan para bahagyang maapektuhan ang daloy ng trapiko sa mga sasakyang patungo ng Fairview.

Pasado 6:00 naman ng umaga ay naitayo na ang trak at inalis na sa lugar. Nilinis rin ang mga basurang tumapon sa kalsada. / Erwin Aguilon

TAGS: accident, commonwealth ave, dump truck, Radyo Inquirer, accident, commonwealth ave, dump truck, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.