Tren ng PNR muling bumiyahe mula Makati hanggang Caloocan at pabalik matapos isara ng 20-taon

By Donabelle Dominguez-Cargullo August 01, 2018 - 06:54 AM

Matapos ang dalawang dekadang pagsasara, balik biyahe ang tren ng Philippine National Railways mula makati patungong Caloocan at pabalik.

Ngayong araw muling bumiyahe ang tren ng PNR patungong Caloocan at ang mga istasyon na hihintuan ay 10th Avenue, 5th Avenue, Solis, Blumentritt, Espana, Sta. Mesa at Dela Rosa.

Ayon sa PNR, 37 minutes lang ang itatagal ng biyahe mula Caloocan hanggang Makati at pabalik sakay ng tren.

Alas 5:45 ng umaga kanina ang unang biyahe ng tren ng PNR mula Caloocan patungong Dela Rosa na susundan pa ng mga biyahe sa maghapon hanggang alas 6:45 ng gabi na last trip.

Alas 6:28 naman ng umaga ang unang biyahe ng tren na galing Dela Rosa patungong Caloocan at alas 5:58 ng hapon ang last trip.

 

TAGS: caloocan, Dela Rosa Makati, PNR train, caloocan, Dela Rosa Makati, PNR train

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.