July inflation rate posibleng umabot sa 5.8 percent ayon sa BSP

By Rhommel Balasbas August 01, 2018 - 03:09 AM SHARE(S):

Posibleng pumalo pa sa 5.1 hanggang 5.8 percent ang inflation rate para sa buwan ng Hulyo ayon mismo sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Inaasahang naging mas mabilis ang pagsipa ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo para sa buwang ito ayon sa mga ekonomista ng BSP.

Ayon sa Department of Economic Research ng central bank, ito ay dahil sa pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo, kuryente at tubig.

Mas mataas ang prediction range ng BSP para sa buwang ito kumpara sa forecast noong Hunyo na 4.3 hanggang 5.1 percent kung saan akwtal na naitala ang 5.2 percent – na pinakamataas sa loob ng limang taon.

“The increases in electricity rates in Meralco-serviced areas, water rate adjustments in Maynilad- and Manila Water-serviced areas, domestic gasoline and liquefied petroleum gas prices, jeepney fares, scheduled increase of the tobacco excise tax, and prices of rice and other agricultural commodities could lead to upward price pressures during the month,” ayon sa mga ekonomista ng BSP.

Tiniyak ng BSP na babantayan nito ang mga banta sa inflation outlook at magsasagawa ng mga hakbang upang masigurong ang inaasahang inflation ay mananatling naka-angkla sa target.

Nakatakdang ianunsyo ng gobyerno ang latest official inflation rate sa Martes, August 7.

Magkakaroon din ng pagpupulong ang BSP Monetay Board sa Huwebes, August 9 upang pag-usapan ang magugung tugon ng central bank sa mataas na presyo ng mga bilihin.

TAGS: BUsiness, BUsiness

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.