Ad campaign para sa Bora re-opening, inihahanda na ng DOT

By Angellic Jordan July 31, 2018 - 07:34 PM

Inihahanda na ang Department of Tourism (DOT) ng isang bagong advesrtising campaign para sa re-opening ng Boracay island.

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, nakikipagusap na ang kagawaran sa top ad agencies sa bansa para makaisip ng bagong ad campaign para sa muling pagbubukas ng isla.

Maliban dito, patuloy din aniya ang bidding para sa isang media-buying agency na tutulong sa paghahanap ng mga space at timeslot sa ad placements.

Matatandaang pansamantalang sinara ng anim na buwan mula noong April 26 sa mga turista ang kilalang tourist destination para sa environmental clean-up at rehabilitasyon.

Nakatakdang buksan muli ang Boracay sa October 26 kung saan inaasahan ang dagsa ng mga turista.

TAGS: ad campaign, boracay, dot, ad campaign, boracay, dot

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.