2,000 MMDA duty sa panahon ng UNDAS

By Isa Avendaño-Umali October 25, 2015 - 04:55 PM

 

Inquirer file photo

Ipatutupad ng Metropolitan Manila Development Authority ang ‘no day-off, no-absent’ policy sa November 01 o paggunita sa Undas.

Ayon kay MMDA General Manager Cora Jimenez, na ito ay bahagi ng Oplan Kaluluwa kung saan nasa dalawang libong tauhan mula sa kanilang flood-control, emergency-response at cleaning units ang kanilang ipapakalt.

Ang mga MMDA personnel ay idedeploy sa priority traffic points, gaya ng mga bus terminal partikular sa Araneta Center at Cubao, Quezon City; EDSA Pasay; Balintawak; Dangwa; Mindanao Avenue at Sampaloc, Manila, port areas, at Ninoy Aquino International Airport.

Sinabi naman ni MMDA Officer in Charge Emerson Carlos na sa October 29, inaasahan na nila ang pagdagsa ng mga tao sa iba’t ibang bus terminal, para umuwi sa mga probinsya.

Bukod dito, tiyak din aniyang matindi ang daloy ng trapiko sa mga pangunahing lansangan sa Kalakhang Maynila, lalo na sa kahabaan ng EDSA.

Pero siniguro ni Carlos na tutulong ang MMDA sa PHP Highway Patrol Group sa traffic management.

Nakipag-ugnayan na rin umano ang MMDA sa Metro Local Government Traffice Bureau officials ukol upang matiyak na maayos ang trapiko, maging ang kaligtasan ng publiko lalo na ang mga tutungo sa mga sementeryo.

Nauna nang nilinaw ng Malakanyang na ang November 01 o All Saint’s Day ay deklaradong holiday, habang ang November 02 o All Soul’s Day ay hindi.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.