Walang extension ng registration at biometrics

By Isa Avendaño-Umali October 25, 2015 - 04:37 PM

 

Inquirer file photo

Nanindigan ang Commission on Election o Comelec na walang extension ang voter’s registration na magtatapos sa October 31, 2015. Ito’y sa kabila ng mga panawagan na palawigin ang registration period upang mabigyan ng pagkakataon na makapagpa-rehistro ang mga botante, lalo na ang mga nakatira sa mga lugar na nasalanta ng bagyong Lando.

Pero paliwanag ni Comelec Chairman Andres Bautista, wala na silang planong i-extend pa ang voter’s registration para sa 2016 National Polls.

Kaya naman payo ni Bautista sa mga botante, magparehistro na sa nalalabing mga araw ng registration.

Dagdag ng Comelec Chairman, huwag na raw hintayin ng publiko ang deadline para magpa-rehistro o magpakuha ng biometrics.

Sa ngayon aniya, dagsa pa rin ang mga tao sa mga satellite registration centers ng Comelec gaya sa mga mall, at inaasahan na ganito ang sitwasyon hanggang sa October 31.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.