Commercial building sa Quezon City, tinupok ng apoy

By Justinne Punsalang July 31, 2018 - 05:12 AM

Courtesy of Ash Nawi D. Macalaya

Tinupok ng apoy ang ikalawang palapag ng isang commercial building sa Barangay Novaliches Proper, Quezon City.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog na nagmula sa isang computer sa isa sa mga unit ng Susano Building.

Pasado alas-2 ng madaling araw nang sumiklab ang sunog at tuluyan itong naapula wala pang isang oras sa pagsusumula ng apoy.

Ayon sa Quezon City Fire Department , tinatayang aabot sa P100,000 ang kabuuang halaga ng pinsala dahil sa pagliliyab.

Patuloy pang iniimbestigahan ng mga otoridad ang sanhi nito.

Samantala, sa pag-apula sa sunog ay nasugatan ang isang bumbero na agad namang naisugod sa ospital.

TAGS: Maynila, sunog, Maynila, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.