LOOK: Listahan ng mga lugar na nagsuspinde ng klase ngayong Lunes, July 30, 2018

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 30, 2018 - 06:46 AM

Suspendido pa rin ang klase ngayong araw ng Lunes, July 30 sa ilang lugar sa Central at Northern Luzon.

Sa bayan ng Masantol sa Pampanga nagpasya si Mayor Danilo Guintu na suspindihin pa rin ang klase ngayong araw sa lahat ng antas bunsod ng pagbaha na dulot ng nararanasang mga pag-ulan.

Habang inaunsyo naman ni Dagupan City Mayor Belen Fernandez na suspindihin din ang klase all levels base sa rekomendasyon ng City Disaster Risk Reduction and Management Council.

Nakararanas pa rin ng pagbaha sa mga pangunahing lansangan sa lungsod.

Magugunitang noong nakaraang linggo pa inuulan ang maraming lugar sa Central at Northern Luzon dahil sa habagat na pinalakas ng mga dumaang bagyo at LPA.

TAGS: class suspension, Radyo Inquirer, walangpasok, class suspension, Radyo Inquirer, walangpasok

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.