Killer ng ombudsman prosecutor napatay ng mga pulis

By Alvin Barcelona July 28, 2018 - 03:12 PM

Napatay ng mga pulis ng Quezon City Police District ang suspek sa pagpatay sa ombudsman prosecutor na si Atty. Madonna Joy Tanyag.

Nabatid na nang-agaw umano ng baril ang suspek na si Angelito Avenido Jr. habang isinasailalim sa booking procedure sa QCPD Headquarters sa Camp Karingal kaninang umaga.

Isinailalim umano sa nasabing proseso si Avenido para Mailipat sa Quezon City Jail.

Hindi umano nakaposas ang suspek dahil kinukuhanan ito ng finger prints at mugshot nang magtangkang mag-agaw ng armas.

Naisugod pa si Avenido sa East Avenue Medical Center pero idineklara ring dead on arrival dahil sa tinamo nitong tama ng bala ng baril sa pagitan ng leeg at baba.

Si Avenido na naaresto noong june 5 dahil sa pananaksak at pagpatay sa apat na buwang buntis na si Tanyag sa Visayas Avenue ay nahaharap sa kasong pagpatay at pagnanakaw sa biktima.

TAGS: Angelito Avenido, atty. madonna joy tanyag, ombudsman, prosecurot, QCPD, Angelito Avenido, atty. madonna joy tanyag, ombudsman, prosecurot, QCPD

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.