Fiscal’s office sa Caloocan City pinasok ng tubig ulan

By Justinne Punsalang July 27, 2018 - 01:05 AM

COURTESY: Brenda Domato

Naglimas ng tubig ang mga empleyado ng fiscal’s office sa Caloocan City.

Ito ay matapos pasukin ng tubig ulan ang loob ng opisina.

Sa video na kuha ni Brenda Domato ng Radyo Inquirer, makikita na rumaragasa ang tubig mula sa ikalawang palapag ng gusali hanggang sa mga cubicle sa unang palapag.

Dahil dito ay naantala ang trabaho ng mga empleyado upang tanggalin ang tubig sa loob ng kanilang himpilan. Maging ang guwardiya ay makikita sa video na naglilimas ng tubig.

Hanggang sa ngayon ay tumutulo pa rin sa loob ng gusali dahil sa nasirang alulod dito.

TAGS: caloocan city, fiscal, caloocan city, fiscal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.