FPJ nagparamdam kay Sen. Poe sa pagiging House Speaker ni Arroyo

By Jan Escosio July 24, 2018 - 07:29 PM

Inquirer file photo

Hindi na sinagot ni Senator Grace Poe ang tanong kung ano ang pakiramdam ng kanyang inang si Susan Roces kaugnay sa pagkakahirang kay House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.

Nakiusap na lang si Poe sa mga mamamahayag na huwag nang pag-usapan ang pakiramdam ng kanyang ina dahil ito ay napaka- personal at maging siya ay hindi niya naiintindihan ang kanyang nararamdaman.

Ngunit nabanggit nito na nagparamdam sa kanya ang kanyang yumaong amang si Fernado Poe Jr., o FPJ.

Hindi na rin nito idinetalye ang pagpaparamdam sa kanya ng ama.

Magugunita na naglaban sa 2004 presidential election sina Arroyo at FPJ at pakiramdam ng kampo ng tinaguriang Da King ay naagaw sa kanila ang kanilang panalo.

Kahapon ay sinabi ni Poe na “wala na bang iba?” na tila kumukwestyon sa desisyon ng mga kongresista na iupo si Arroyo bilang pinuno ng Kamara.

TAGS: Arroyo, FPJ, grace poe, poe, speaker, Susan Roces, Arroyo, FPJ, grace poe, poe, speaker, Susan Roces

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.