Mga militante nagsimula nang magtipon sa Philcoa

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 23, 2018 - 10:48 AM

Inquirer.net | Julius Leonen

Maaga pa lang ng Lunes nagtipon-tipon na sa bahagi ng Philippine Coconut Authority (Philcoa) sa Commonwealth Avenue ang mga militanteng grupo.

Pawang mula sa Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), Kilusang Mayo Uno (KMU), at PIGLAS-LIGA ang mga nagtipon-tipon na magsasagawa ng aktibidad sa Commonwealth Avenue.

Bitbit na ng mga raliyista ang kanilang mga banner at streamer na gagamitin sa programa.

Handa na rin ang ang effigy nila na tinawag nilang “Dutertemonyo” na magiging sentro ng kanilang kilos protesta.

TAGS: Rally, SONA, Rally, SONA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.