Tatlong preso patay matapos pagbabarilin ang sinasakyang BJMP vehicle sa Cebu

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 20, 2018 - 08:06 PM

CDN Photo

Patay ang tatlong preso makaraang pagbabarilin ang sinasakyan nilang BJMP vehicle patungo sa korte para dumalo sa pagdinig sa Cebu.

Ang tatlong preso na pawang nakakulong sa Talisay City Jail ay nasa biyahe kasama ang dalawang escort nilang tauhan ng BJMP nang sila ay pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek dakong alas 9:00 ng umaga ng Biyernes.

Knilala ang mga preso na sina Yayam GAviola, Marwin Abelgas at Rabadon Jovencio.

Ayon sa Talisay City police, hindi pa gaanong nakalalayo sa Talisay City Jail ang sasakyan nang ito ay tambangan.

Bagaman naisugod sa ospital ang tatlo ay binawian din sila ng buhay. Habang ligtas naman ang mga tauhan ng BJMP na naka-escort sa kanila.

Ayon kay kay Police Supt. Virgilio Bayon-on, PIO ng Cebu Provincial Police, dalawang motorsiklo ang humarang sa daanan ng BJMP vehicle at nagkunwaring nag-aaway ang mga sakay nito.

Nang tumigil ang sinasakyan ng mga preso ay dumating ang isa pang motorsiklo at saka pinagbabaril ang tatlong bilanggo.

TAGS: BJMP, Radyo Inquirer, Talisay City jail, BJMP, Radyo Inquirer, Talisay City jail

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.