ATM at electronic banking ng Landbank nagkaproblema

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 20, 2018 - 05:13 PM

Nagkaproblema at hindi ma-access ng kanilang mga kliyente ang ATMs at electronic banking ng Landbank.

Unang nag-abiso ang Landbank na sila ay nakararanas ng technical problem na nagresulta ng hindi paggana ng kanilang ATMs at electronic banking channels Huwebes (July 19) ng gabi.

Biyernes (July 20) ng hapon muling nag-abiso ang Landbank na hindi pa rin naaayos ang problema at ang kanilang mga kliyente ay maari lamang mag-transact sa bangko sa over-the-counter.

Pinalawig din ng Landbank ang kanilang operating hours sa lahat ng kanilang branch ngayong araw at sinabing bukas sila ng hanggang alas 6:00 ng gabi.

Ito ay para ma-accommodate ang lahat ng kanilang kliyente na nais mag-transact.

Humingi rin ng paumanhin ang Landbank sa naging problema.

TAGS: atm, electronic channel, Landbank, atm, electronic channel, Landbank

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.