Kasong isasampa ng COA haharapin ng PCOO

By Alvin Barcelona July 20, 2018 - 04:12 PM

Handa ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) na harapin sa Office of the Ombudsman ang anumang kaso na isasampa sa kanila kaugnay ng kinukuwestiyon ng Commission on Audit (COA) na gastos sa nakaraang asean summit.

May kinalaman ito sa milyon-milyong ginastos ng PCOO sa renta ng mga kagamitan, sasakyan at internet service na ginamit sa nabanggit na summit noong nakalipas na taon.

Sa pahayag ni Atty. Marvin Gatpayat, Undersecretary for Legal Affairs ng PCOO, tiniyak nito na pinaiimbestigahan na nito ang mga opisyal nila na sangkot sa mga kinukuwestiyong procurement activity sa ASEAN.

Kabilang dito ang dalawang deputy officials ng PCOO at tatlong iba pa na pumirma sa mga kontrata para sa ASEAN summit.

Sinabi din nito na inaasahan nilang makumpleto at mailabas ang resulta ng kanilang pagsisiyasat sa loob ng 10-araw.

Inirerespeto din ng PCOO ang findings ng COA na ginagampanan lamang ang mandato nito na tiyaking nagagamit ng tama ang pondo ng bayan.

Tinitiyak din ng opisyal na walang cover-up sa iimbestigasyon nila sa mga kasamahan nilang opisyal sa PCOO.

TAGS: Asean summit, COA, pcoo, Radyo Inquirer, Asean summit, COA, pcoo, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.