Kagawad ng barangay patay sa pamamaril sa Cebu

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 20, 2018 - 12:33 PM

CDN Photo

Patay makaraang tambangan ang kagawad ng barangay sa Talisay City sa Cebu.

Nasawi si Barangay Lagtag Kagawad Art Stephen Bas, 24 anyos nang siya ay pagbabarilin habang sakay ng kulay puting For Everest sa Cebu South Coastal Road, Biyernes ng umaga.

Ayon kay SPO4 Frederick Larrobis, Talisay City police investigator, tatlong suspek ang tinitignan nilang nasa likod ng pananambang.

Ayon kasi sa pahayag ng mga testigo, nakita nila ang mga suspek na sakay ng magkakahiwalay na motorsiklo.

Maliban sa pagiging kagawad ng barangay, si Bas ay isa ring mechanical engineering student at nakatakda na sanang magtapos sa Oktubre ngayong taon.

Labinglimang basyo ng bala ng baril ang narekober ng mga otoridad sa crime scene.

TAGS: Barangay Councilman, cebu, Radyo Inquirer, Talisay City, Barangay Councilman, cebu, Radyo Inquirer, Talisay City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.