Tornado nanalasa sa Iowa; mga bahay at mga sasakyan, nawasak

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 20, 2018 - 10:38 AM

CREDIT: Elise Beukelman

Nanalasa ang tornado sa Iowa sa Estados Unidos na nagresulta sa pagkawasak ng maraming mga bahay at pagkasira ng maraming sasakyan.

May mga nasugatan din mula sa Vermeer Corporation na kabilang sa tinumbok ng tornado ayon sa Iowa Homeland Security and Emergency Management.

Pitong katao ang dinala sa ospital makaraang magtamo ng sugat sa katawan.

Dahil sa nasabing insidente, nagdeklara na ng state of emergency sa Marshalltown City.

Isang ospital kasi doon ang nagtamo ng pinsala at mayroon itong ginagamot na 40 pasyente nang tumama ang tornado.

TAGS: foreign, Iowa, Radyo Inquirer, tornado, usa, foreign, Iowa, Radyo Inquirer, tornado, usa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.