James Yap sinigurado ang panalo ng Rain or Shine sa Commissioner’s Cup

By Justinne Punsalang July 20, 2018 - 09:06 AM

Tiniyak ng Rain or Shine Elasto Painters na hindi sila papatalo sa PBA Commissioner’s Cup.

Sa kanilang naging tapatan ng Barangay Ginebra Gin Kings kagabi ay nagwagi ang Elasto Painters sa iskor na 109-100.

Si James Yap ang tumiyak sa pagkapanalo ng koponan matapos niyang makapagtala ng 18 points.

Ipinamalas din ni Yap ang kanyang galing dahil sa nalalabing isang minuto ng laro ay nakapagbigay ito ng long triple na nagsilbing selyo sa kanilang pagkapanalo.

TAGS: James Yap, PBA, sports, James Yap, PBA, sports

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.