2 bata sugatan sa hinihinalang shark attacks sa New York

By Rhommel Balasbas July 20, 2018 - 08:04 AM

CREDIT: BARBARA POLLINA

Dalawang bata ang sugatan sa magkahiwalay na insidente ng hinihinalang shark attacks sa Fire Island sa New York.

Ayon sa Suffolk County police, iniimbestigahan na nila ang dalawang pangyayari na may walong kilometro lamang ang pagitan.

Naganap ang mga insidente sa Sailors Haven at Atlantique beaches na pareho nang isinara ngayon.

Isang malaking ngipin ang inalis sa binti ng 13-anyos na batang lalaki habang ginamot naman sa naglalakihang kagat ang 12-anyos na batang babae.

Hindi pa kinukumpirma ng mga awtoridad kung kagat nga ito ng mga pating ngunit hinihintay ang pagsusuri ng Department of Environmental Conservation sa nakuhang ngipin.

Pinaiimbestigahan na ni Democratic Gov. Andrew Cuomo ang posibleng shark attacks at bumuo ng isang multi-agency investigation.

Sakaling pag-atake nga ito ng pating, ito ang kauna-unahang insidente sa New York makalipas ang 70 taon.

TAGS: New York, Radyo Inquirer, shark attack, New York, Radyo Inquirer, shark attack

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.