Kiana Valenciano, ikinuwento ang pakikipagsapalaran sa depression

By Rhommel Balasbas July 20, 2018 - 07:58 AM

Isinalaysay ng 25-anyos na singer at anak ni Gary Valenciano na si Kiana kung paano niya nalampasan ang sakit na depression at anxiety.

Sa isang post sa Instagram, isiniwalat ng mang-aawit ang kanyang laban sa sakit na nagsimula noong 2016.

Ayon kay Kiana, dumating sa puntong hindi niya na namalayan na pisikal na niyang sinasaktan ang kanyang sarili.

Napagtanto na lamang niyang kailangan niya na ng tulong nang may isang kaibigang nagsabi sa kanya na mayroon siyang mga gasgas at peklat sa kanyang batok.

Matapos anya ang dalawang taon sa tulong ng Diyos, pamilya, nobyong si Sam Concepcion at mga kaibigan ay nalampasan niya ang pinagdaraanang sakit.

Wala na anya siyang mga gasgas na nagpapaalalang siya ay nailigtas na.

Hinimok niya rin ang kanyang mga followers na kung mayroong pinagdaaanan ang mga ito ay huwag matakot na papasukin sa buhay ang mga tao lalo ang mga mahal sa buhay.

TAGS: Anxiety, Depression, Kiana Valenciano, Anxiety, Depression, Kiana Valenciano

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.