Brodkaster patay sa pananambang sa Albay

By Jan Escosio July 20, 2018 - 07:54 AM

(UPDATE) Patay sa pananambang ang radio broadcaster sa bayan ng Daraga sa Albay.

Paalis ng bahay ang biktimang si Joey Llana alas 5:00 ng umaga at inilalabas pa lamang ng garahe ang kaniyang sasakyan sa Barangay Peñafrancia nang siya ay tambangan.

Ayon kay Sr. Insp. Maria Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol Police, papunta sa pinagtatrabahuhang radio station sa DWZR Hypersonic Broadcasting Network si Llana nang maganap ang insidente.

Isa umanong hard-hitting commentator si Llana at mayroong block time program sa naturang himpilan.

Umabot sa 15 basyo ng bala ng hindi pa matukoy na kalibre ng baril ang nakuha sa crime scene.

TAGS: ambush, Daraga Albay, radio broadcaster, ambush, Daraga Albay, radio broadcaster

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.