BBL lalagdaan ni Pangulong Duterte bago ang SONA

By Chona Yu July 20, 2018 - 01:05 AM

Sa Lunes, July 23, pa posibleng malagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Bangsamoro Basic Law (BBL) para maging isang ganap na batas.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ito ay dahil isasalang pa sa ratipikasyon ang panukala sa pagbabalik ng sesyon ng dalawang kapulungan ng Kongreso sa Lunes ng umaga.

Oras aniya na maisumite na sa Malacañan ang panukala, agad na itong lalagdaan ng pangulo bago ang kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) sa ganap na alas-4 ng hapon sa Lunes.

Malaki naman ang pasasalamat ng Palasyo sa dalawang kapulungan ng Kongreso, maging sa mga miyembro ng Bangsamoro Transition Council (BTC) dahil sa pagpasa sa BBL.

Umaasa si Roque na isa ang BBL sa tatalakayin ng pangulo sa kanyang SONA.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.