Halos 57k naaresto dahil sa paglabag sa city ordinance

By Len Montaño July 20, 2018 - 01:00 AM

Inquirer file photo

Bagaman hindi pa humuhupa ang batikos sa kampanya kontra tambay, tuloy ang operasyon ng mga pulis laban sa mga lumabag sa mga lokal na ordinansa.

Batay sa datos ng National Capital Region Police Office (NCRPO), ang limang police districts sa Metro Manila ay nagtala ng pinagsamang bilang na 56,988 na pag-aresto sa pagitan ng June 13 at July 18.

Ito ay sa gitna pa rin ng pinaigting na operasyon sa mga lumabag sa curfew, paninigarilyo sa pampublikong lugar, pag-inom sa kalsada, at kawalan ng damit pang-itaas.

Nasa 16 katao na lang ang natitira sa kustodiya ng NCRPO hanggang araw ng Miyerkules.

Ayon kay NCRPO director Chief Superintendent Guillermo Eleazar, 60% ng mga naaresto ang pinalaya na matapos mabigyan ng warning.

Nasa 29% naman ang pinalaya matapos magbayad ng multa at 11% ang kinasuhan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.